Mga pulis at militar, pinaalalahanan kaugnay ng state of emergency

pnp-checkpointPinaalalahanan ng Palasyo ng Malacañang ang mga pulis at military na maging maingat sa pagpapatupad ng mga hakbangin sa harap ng umiiral ngayong state of national emergency.

Babala ni Executive Secretary Salvador Medialdea, maaaring maharap sa asunto ang sinumang pulis o sundalo na mapapatunayang abusado sa harap ng pagpapatupad nito ngayon ng Proclamation 55.

Ayon kay Medialdea, nakasulat sa Section 6 ng proklamasyon na kasong administratibo at kriminal ang maaring kaharapin ng abusadong tauhan ng Philippine National Police (PNP) o Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa palace official, nais nilang matiyak na mapapangalaaan ang constitutional rights ng bawat indibidwal sa gitna ng mahigpit na seguridad na makikita ngayon sa ibat ibang mga lansangan at matataong lugar.

Pagtiyak ni kalihim Medialdea, walang malalabag na civil or political rights ngayong umiiral ang state of lawless violence.

Read more...