Mga Pinoy sa Indonesia personal na kakausapin ni Duterte bukas

duterte laos
Inquirer file photo

Tiniyak ng embahada ng Pilipinas sa Jakarta na makikipagpulong bukas ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Filipino na nasa Indonesia.

Batay sa advisory ng MalacaƱang, gaganapin ang pulong sa Grand Ballroom ng Shangri-la Hotel sa Jakarta bukas ng tanghali.

Sasamantalahin ng pangulo ang pagkakataong ito para mabatid ang kalagayan ng mga Filipino sa Indonesia.

Bago pa man dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Laos, sinabi na ng pangulo na personal siyang makikiusap kay Indonesian President Joko Widodo na mailigtas sa parusang kamatayan ang Pinay na si Mary Jane Veloso na nakasuhan dahil sa ilegal na droga.

Pero kapag hindi aniya pinakinggan ang kaniyang apela, maluwag niya itong tatanggapin at ang tanging magagawa na lamang niya ay ipagdasal si Mary Jane.

Inaabangan ngayon ay kung ano ang pwede pang magawa ni Duterte para maisalba ang buhay ni Veloso. kahapon ay nagkita sa Asean Summit sina Pangulong Duterte at Widodo kung saan ay magkatabi pa nga ang mga ito sa ginanap na Asean gala dinner.

Gayunman hindi na nagbigay ng impormasyon ang malakanyang kung ano ang napag usapan ng dalawang lider.

Read more...