Office of the Vice President nagpaliwanag sa kampanya ng gobyerno kontra droga

Leni Robredo1
Inquirer file photo

Itinanggi ng Office of the Vice President ang balitang minaliit ni Vice President Leni Robredo ang kampanya kontra sa iligal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Reaksyon ito ng OVP sa lumabas na headline ng isang pahayagan noong nakaraang Martes.

Ayon kay Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo, ang pangalawang pangulo pa nga ang humingi ng pulong kay Interiror Sec. Mike Sueno kasama ang mga partner agencies para tumulong sa anti-illigal drug drive ng administrasyong Duterte.

Sinabi ni Hernandez na inialok nila ang tulong ng kanilang tanggapan dahil sa karanasan nila sa Naga City Peoples’ Council kontra sa droga noong panahon ng mister nito na si dating DILG Sec. Jesse Robredo.

Tulad aniya ng sinabi ng pangalawang pangulo, handa silang mag sponsor ng mga pilot areas para sa drug rehabilitation.

Hinihintay na lamang nila ang approval ng DILG kung saang mga lugar nila maaaring umpisahan ang kanilang inisyatibo.

Read more...