Maghahain ng panukala sa Senado si Sen. Dick Gordon para bigyan din ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte sa kampaniya kontra droga.
Ayon kay Gordon mas mapapadali ang pagtuldok sa problema sa droga kung sususpindihin muna ang pribelehiyo ng writ of habeas corpus.
Paglilinaw pa ni Gordon hindi naman ito mauuwi sa Martial Law dahil lilimitahan lang ang special power sa kampanya kontra droga.
Ipinaliwanag pa ng Senador na magkakaroon din ng deadline ang bisa ng special power dahil anim na buwan lang naman ang sinabi ng pangulo na kailangan niyang panahon para puksain ang droga sa bansa.
Ayon pa kay Gordon, kung kailangan man ay maari naman palawigin ang bisa ng special power.
Tiwala din ito na maging ang mga sinasabing extra judicial killings dahil sa droga ay mareresolba na rin.
At para hindi maabuso ang nasabing kapangyarihan ay dapat magtalaga rin ng isang 24/7 na korte na didinig sa reklamo ng mga mamamayan.