Sa ilalim aniya ng criminal procedure, may tatlong pagkakataon lamang pinahihintulutan ang warrantless arrest kahit walang idineklarang national emergency.
Gayunman, naglagay ng pang-apat na pagkakataon sa ilalim ng Proclamation No. 55 ni Pangulong Duterte kung saan pinapayagan ang naturang proseso kung ‘ini-waive’ na ng isang tao ang kanyang karapatan.
Paliwanag ni Zarate, dapat itong klaruhin ng Malacañang dahil posible itong gamitin ng mga otoridad upang puwersahin ang mga sibilyan na sumama sa kanila kahit walang warrant.
Ganito rin ang pahayag ni dating Akbayan representative Ibarra Gutierrez na ‘susceptible to abuse’ ang ikaapat na bahagi ng Proclamation No. 55.