Bagaman hindi natuloy ang naunang plano na pagtabihin sila sa gala dinner ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit, nagkausap na sina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Barack Obama.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Charles Jose, nagkaroon ng sandaling pagkakataon sina Duterte at Obama na makapag-usap sa loob ng holding room bago ang gala dinner.
Wala namang ibang ibinigay na detalye si Jose tungkol sa napag-usapan ng dalawa.
Gayunman, sinabi ni Jose na mistulang naayos naman na ang gusot sa pagitan ng dalawang presidente dahil sa naturang pag-uusap.
Matatandaang sa unang anunsyo ng Malacañang, magkakatabi dapat sina Obama, Duterte at UN Secretary General Ban Ki-Moon, ngunit nagkaroon ng biglaang pagbabago sa kanilang seating arrangements.