Base kasi sa impormasyong unang inilabas ng Palasyo, papagitnaan nina Obama at Ban si Duterte sa kanilang seating arrangement sa gala dinner.
Ngunit sa mismong event, namataang magkakahiwalay ang tatlo. Katabi ni Duterte si Russian Prime Minister Dmitri Medvedev at Indonesian President Joko Widodo.
Katabi naman ni Obama si Brunei Darussalam Sultan Hassanal Bolkiah at Vietnamese Prime Minister Nguyễn Xuân Phúc.
Si Ban naman ay nakaupo sa tabi ng kaniyang misis na si Yoo Soon-Taek.
Gayunman, ngayong araw ay inaasahang magkakaroon pa rin ng pagkakataon para magkita ang tatlo sa susunod na event ng ASEAN summit.
Matatandaang kinansela ni Obama ang nakatakda sanang pulong nila ni Duterte sa pagtatapos ng opening ng ASEAN summit.