US State Dep’t. at Clinton kay Duterte: ‘Respeto lang’

 

Ipinaliwanag ni US State Department at ni Democratic presidential candidate Hillary Clinton ang kahalagahan ng respeto sa ugnayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos.

Pero sa kabila naman ng pagbibitiw ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga maaanghang na salita laban kay US President Barack Obama, tiniyak ng pamahalaan ng Estados Unidos na hindi nito maaapektuhan ang samahan ng Pilipinas.

Para kay State Department spokesman Mark Toner, mahalaga ang mga binibitiwang salita at nais sana nilang magkaroon ng “atmosphere” na “cordial and open to strong cooperation.”

Samantala, sinabi naman ni Clinton na may karapatan si Obama na ikansela ang nakatakda sanang pagpupulong nina Duterte at Obama.

Giit niya, kung iinsultuhin ng pangulo ng Pilipinas ang presidente ng US, tama lang na humingi na lang ng paumanhin si Obama at ikansela na ang pulong.

Ayon kay Clinton, matibay na ang ugnayan ng Pilipinas at ng United States, pero sa tingin niya lubhang mahalaga na magkaroon dapat ng respeto sa pagitan ng dalawang partido.

Matapos makansela ang pagpupulong ng dalawa, humingi ng paumanhin si Duterte, kasabay ng nagpahayag ng kaniyang pagsi-sisi.

Read more...