Lalawigan ng Agusan del Sur muling nilindol

Talacogon.10Niyanig ng magnitude na 4.8 na lindol ang bayan ng Talacogon sa lalawigan ng Agusan del Sur kaninang 12:54 ng tanghali.

Sa ulat ng Philippine Institute of Seismology at Volcanology (Philvocs), tectonic ang origin ng lindol at ang ang epicenter nito ay sa Timog-Silangan ng bayan ng Talacogon.

Naramdaman din ang pagyanig sa mga kalapit na bayan ng La Paz at Rosario sa Agusan del Sur.

Intensity 3 naman ang naramdamang pagyanig sa mga bayan ng Prosperidad kasama na ang mga lungsod ng Tagum at Butuan.

Wala naman naitalang mga pag-guho dulot ng lindol pero asahan na raw ang mga aftershocks ayon sa babala ng Philvocs.

Sa mga nakalipas na araw ay naging madalas ang lindol sa malaking bahagi ng Agusan del Sur.

Noong Linggo ay naitala ang isang magnitude 6 na lindol sa bayan din Talacogon base sa record ng Philvocs.

Read more...