Isinailalim na ngayon sa imbestigasyon ng pamunuan ng Philippine Army ang nangyaring pagsabog sa isang Army Reservist Training School sa General Santos City na ikinamay ng isa at ikinasugat ng siyam na sundalo.
Ayon kay Army spokesperson Col. Benjamin Hao, aalamin nila ang sirkumstansya ng insidente na naganap habang nagsasagawa ng demonstration para sa Explosive Ordnance Reconnaissance Agent training.
Patay sa insidente si T/Sgt. Pablo M Balansag, Philippine Army reservist na tubong Poblacion Alabael, Sarangani Province habang ginagamot pa rin sa ospital ang siyam na sugatang Army reservist
Ayon kay Hao aksidenteng nadetonate ni T/Sgt. Bonifacio Soriano na isa sa mga instructor ang fragmentation grenade habang idinedemonstrate nito ang dismantling ng grenade fuse assembly.
Tiniyak ng Philippine Army na mananagot ang nasa likod ng nasabing kapabayaan.