Duterte maghahapunan sa pagitan nina Obama at U.N Sec-Gen. Ban Ki-Moon

Obama DuterteInaantabayanan ng lahat ng mga delegado sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Viantiane, Laos ang gaganaping gala dinner mamayang gabi dahil magtatabi sa unang pagkakataon sina U.S President Barrack Obama at Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukod kay Obama, tatabi rin sa pangulo sa nasabing event si United National Secretary General Ban Ki Moon.

Magugunitang hindi natuloy ang nakatakda sanang pulong nina Obama at Duterte sa sideline ng Asean Summit makaraang batikusin ng pangulo ang lider ng U.S.

Pero isang araw makaraan niyang batikusin si Obama ay humingi rin ng paumanhin ang pangulo.

Naging mainit din ang pangulo sa ilang opisyal ng United Nations na nauna nang bumatikos sa kanyang kampanya kontra sa problema ng droga sa bansa.

Sa press release na inilabas ng Malacañang ay kanilang sinabi na tiyak na magiging sentro ng atensyon ang nasabing pagtatabi sa mesa nina Obama, Duterte at Ban.

Read more...