Lusot na sa House Committee on Government Enterprises ang panukalang taasan ang pension ng mga SSS pensioners.
Naganap ang pag-apruba nito sa kaun-unahan at huling pagdinig sa mga sss pension hike bills sa ilalim ng 17th congress.
Labinglimang panukala ukol sa SSS pension ang isinalang sa House Committee on Government Enterprises, karamihan ay nagsusulong ng P2,000 na dagdag pensyon.
Si Bayanmuna Party List Rep. Carlos Isagani Zarate ang nagmosyon para sa omnibus approval ng mga panukala na sinegundahan naman ni Sorsogon Congw. Evelina Escudero.
Pero ayon kay SSS Vice President Gregory Ongkeko, kung aaprubahan ang P2,000 na dagdag na pensiyon ay maliit tingnan ang epekto nito sa unang taon.
Pero mabigat ang epekto nito sa actuarial life ng SSS na iikli mula 2024 tungo sa 2025 na lamang kung walang magaganap na dagdag kontribusyon sa SSS members.
Babala ni Ongkeko, kailangan nilang magtaas ng 1.5% sa kontribusyon kada taon para sa bawat P500 na dagdag pensiyon.
Kung hindi gagawin ito ay sasama umano ang katayuang pinansiyal ng sss na sa ngayon ay mayroon ng unfunded liability na P3.5 Trillion ang SSS pension hike bill ay naipasa ng kamara noong 16th Congress pero na-veto naman ni dating Pangulong Noynoy Aquino.