WATCH: Mag-live in partner, patay matapos pagbabarilin sa Pasay

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Dead-on-the-spot ang drug personality na si Jaylourd Clemente, habang dead-on-arrival naman sa Pasay General Hospital ang karelasyon nitong si Marlene Cortez, matapos pagbabarilin ng ‘di nakilalang mga suspek sa may bahagi ng Cesna Riverside Brgy. 190, Zone 20, Pasay City.

Ayon sa kagawad na si Levy Navarro, kilala ang magkarelasyon na sangkot sa iligal na droga na posibleng dahilan ng naganap na krimen.

Dalawang suspek umano ang bumaril at pumatay kina Clemente at Cortez na mabilis na tumakas lulan ng isang motorsiklo.

Nakuha sa crime scene ang mga basyo ng bala, habang inaalam pa kung may shabu sa katawan ng naturang drug personality.

Samantala, natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalake sa gilid ng pampang ng ilog Pasig sa Blk. 1 Gasangan, Baseco Compound, Port Area, Manila.

Ayon sa nakakita sa bangkay, na si Alexander Gabune, dudumi sana sya sa naturang lugar, nang makita nyang palutang-lutang ang wala nang buhay na katawan ng isang lalake.

Agad umano nyang ipinaalam sa kanyang mga kaibigan ang natagpuang bangkay, bago itinawag sa mga otoridad.

Nakasuot ang biktima ng itim na short at walang damit pang itaas.

May kalakihan rin ang pangangatawan ng biktima, nasa 40 hanggang 45 ang edad, namamaga ang kanang mata at may umaagos na dugo na posibleng tumama daw sa mga bato na nasa gilid ng pampang.

 

 

 

Read more...