Japan magbibigay ng mga barko at eroplanong pang-patrulya sa Pilipinas

 

Magbibigay ang Japan ng dalawang malalaking barkong pang-patrulya, at magpapahiram pa sila ng limang gamit nang surveillance aircraft sa Pilipinas.

Ayon kay Japanese Deputy Chief Cabinet Secretary Koichi Hagiuda, bukod dito ay nagkasundo rin sina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe na mas pagagandahin pa nila ang kooperasyon sa pagitan ng Japan at Pilipinas.

Magtutulungan rin ang Japan at Pilipinas sa pagkakaroon ng mapayapang solusyon sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Mas pag-iibayuhin rin ng dalawang lider ang trade relations sa pagitan ng dalawang bansa.

Mababatid na ang Japan at China ay mayroon ring alitan sa teritoryo sa East China Sea.

Nagpulong sina Abe at Duterte sa kasagsagan ng Association on Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Vientiane, Laos.

Una nang pumayag ang Japan na magbigay ng 10 maliliit na barkong pang-patrulya sa Pilipinas.

Read more...