Trapik sa Metro Manila, nasa isip lang ng tao – Sec. Tugade

 

“It’s all in the mind.”

Ganito inilarawan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang sitwasyon ng trapiko sa bansa.

Ayon kay Tugade, ang paraan ng pag-iisip o “state of mind” ng mga Pilipino ang talagang nagpapalala sa sitwasyon ng trapiko.

Nasanay na aniya kasi ang mga tao na gawing palusot o dahilan ang matinding trapik sa tuwing sila ay nahuhuli sa oras.

Kahit naman kasi aniya walang traffic, lagi rin namang sinasabi ng mga tao na mayroon.

Ani Tugade, dapat nang itigil ng publiko na isisi sa lahat ang trapiko, at na isa sa mga kakailanganin para maresolba ang problemang ito ay ang pagbabago mismo ng mga tao.

Payo ng kalihim, dapat baguhin ng mga tao ang kanilang “psyche” o kaugalian na gamitin laging dahilan ang trapik sa mga problema.

Ayon naman kay Department of Transportation (DOTr) spokesperson Cherie Mercado, pareho sina Tugade at Pangulong Rodrigo Duterte ng uri ng pamumuno at ito ay umiikot sa pagbabago ng pananaw sa mga bagay.

Umapela rin si Mercado ng tulong sa mga Pilipino at sinabing ang simpleng pagkakaroon lang ng pag-asa ay makatutulong na maging sa pamamahala.

Aniya, dapat itong pagtulungan, tulad ng sila ang gagawa ng mga polisiya at implementasyon, habang ibibigay naman ng mga tao ang kanilang kooperasyon.

Read more...