Isa pang suspek sa Maguindanao massacre, arestado

 

Inquirer file photo

Naaresto ng mga operatiba ng pulisya sa Sultan Kudarat ang isa pa sa mga suspek na may kinalaman sa Maguindanao massacre na naganap pitong taon na ang nakalilipas.

Inihain ng mga pulis sa Region 12 kamakailan ang search at arrest warrant para sa multiple counts of murder laban kay Akmad Macaton sa Brgy. Tinumiges sa Lambayon, Sultan Kudarat.

Ayon kay Sultan Kudarat Provincial Police Commander Sr. Supt. Raul Supiter, bukod sa pagiging suspek sa madugong masaker sa Maguindanao, may kinalaman rin sa iligal na droga ang operasyong isinagawa para siya ay mahuli.

Sa pagkakahuli nila kay Macaton, nakuha pa sa kaniya ang tatlong plastic sachet ng shabu at isang granada.

Dahil dito, bukod sa patung-patong na kasong murder, mahaharap pa siya sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act at illegal possession of explosives.

Read more...