‘Warrantless arrest’ pinapayagan sa ilalim ng State of lawlessness

 

Karlos Manlupig/Inquirer

Pinapayagan ang ‘warrantless arrest’ sa nilagdaang proklamasyon ng ‘state of national emergency on account of lawless violence in Mindanao’  ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman, malinaw na isinasaad sa  Proclamation No. 55 na kinakailangang striktong sundin ang mga nakalatag na rules and jurisprudence bago ipatupad ang isang warrantless arrest.

Sa ilalim ng guidelines ng proklamasyon, hindi dapat ipatupad ang isang ‘warrantless arrest’ maliban na lamang kung:

Naaktuhan ang isang tao na magsasagawa, nagsasagawa na o gagawa pa lamang ng paglabag sa batas;

Kung ang paglabag ay naganap na at may personal na kaalaman ang arresting officer ukol dito;

Kung isang takas o pugante ang suspek at;

Kung ‘ini-waive’ ng aarestuin ang kanyang karapatan at pumayag na siya’t aretuhin kahit walang warrant.

Matatandaang isang malaking kuwestyon sa ilang sektor ang mga nilalaman at sakop ng deklarasyon ng state of lawlessness ni Pangulong Duterte matapos ang Davao City bombing.

Read more...