P3-B, inilaan ng DOH para sa rehab ng mga drug addicts

 

Tatlong bilyong piso ang budget na inilaan ng Department of Health o DOH sa rehabilitation program para sa mga adik sa ilegal na droga.

Sa hearing ng House Appropriations Panel para sa panukalang 2017 budget ng DOH, sinabi ni Secretary Paulyn Jean Ubial na target nilang ma-accomodate ang lahat ng mga sumusuukong drugs users.

Ayon kay Ubial, sa kasalukuyan ay nasa labing tatlo lamang ang treatment at rehabilitation centers na nasa ilalim ng pangangasiwa mg Health Department.

Kinumpirma ng kalihim na magtatayo ang ahensya ng limang bagong rehabilitation centers, kung saan dalaw ay itatayo sa Luzon, at tig-isa sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang bawat rehabilitation centers ay kayang maka-accomodate ng 2,000 hanggang 2,500 drug dependents.

Samantala, kinumpirma rin ni Ubial sa pagdinig na naglabas na ang DOH ng sampung milyong piso para sa Southern Philippine Medical Center at iba pang health offices sa Davao City na umaayuda sa mga biktima ng pambobomba sa night market noong Biyernes.

Matatandaang labing-apat katao ang nasawi habang halos 70 ang sugatan sa Davao City blast.

Read more...