Davao blast, state of lawlessness at mga banat ni Duterte kay Obama, walang epekto sa negosyo-BSP

 

Inquirer file photo

Hindi ramdam ng sektor ng negosyo ang epekto ng nakaraang pagsabog sa Davao City, deklarasyon ng ‘State of lawlessness’  at ang mga banat at pagmumura ni Pangulong Rodrigo Duterte kay US President Barack Obama .

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Amando Tetangco Jr., walang negatibong reaksyon ang lokal na merkado sa  mga naging pahayag ni Pangulong Duterte ukol sa presidente ng Amerika at ang mga nakaraang insidente ng pagsabog na sinundan ng deklarasyon ng State of lawlessness.

Mas magkakaroon pa aniya ng epekto sa lokal na merkado ang nakaambang  rate hike ng US-Federal Reserve na magaganap bago magtapos ang taong ito.

Ang mahalaga aniya ay maipahatid sa publiko nang malinaw ang mga proyektong nais na isulong ng Duterte administration upang hindi mamis-interpret  ang mga hakbang nito.

Naniniwala pa rin si Tetangco na sa kabila ng mga isyu, nananatiling matatag ang ekonomiya ng bansa na makaka-engganyo ng mas marami pang mga foreign investors na magdadala ng sustained growth sa bansa.

Read more...