State of Emergency, posibleng labag sa Saligang Batas

 

Inilutang ng oposisyon sa Kamara na maaaring labag sa Konstitusyon ang idineklarang State of Emergency ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Albay Rep. Edcel Lagman, hindi maiiwasan na ituring na kontra sa Saligang Batas ang pagpapa-iral ng Presidente ng State of Emergency dahil sa kawalan ng paglalatag ng limitasyon.

Binigyang-diin ni Lagman, dapat ay may takdang panahon ang implementasyon ng State of Emergency dahil kung hindi ay baka maging banta lamang ito na magbubunsod naman ng pangamba sa publiko.

Duda rin si Lagman na kailangan ng bansa ang State of Emergency dahil wala umano siyang nakikitang pattern ng karahasan.

Sinegundahan ito ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano, at sinabing hindi kailangan ang deklarasyon ng State of Emergency dahil kung tutuusin ay kumikilos na ang militar at matagal nang tumutulong sa PNP.

Binanggit pa ni Alejano na hindi maaaring patutukin ang AFP sa anti-crime operations, lalo’t sanay ang mga sundalo sa law enforcement, kaya hindi basta-basta ipo-pronta sa iba pang problema gaya ng Oplan Tokhang.

Read more...