Kotse ng isang Kongresista tinangkang taniman ng bomba sa Batasan Complex

Shernee Tan
Photo: Isa Umali

Naghigpit ng seguridad ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa kanilang seguridad na ipinapatupad sa loob ng Batasan Complex.

Ito ay matapos na pwersahang buksan ang kotse ni Kusug Tausug Partylist Rep. Shernee Abubakar-Tan ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Sa kanyang privilege speech, inirereklamo ni Tan ang nangyari kagabi, dakong alas-otso hanggang alas-nuebe ng gabi, kung saan nakita na lamang niya na sira na ang goma o rubber gasket sa may front sit ng kanyang sasakyan na indikasyon na tinangka itong buksan.

Sinabi ni Tan na mukhang kabisado ng suspek ang premises ng Batasan Pambansa dahil tiniyak ng suspek na hindi siya makita o mahahagip ng CCTV.

Hinala pa ng Lady Solon, balak taniman ng improvised explosive device o IED ang kanyang sasakyan.

Ito’y dahil isinantabi na ng mga pulis ang motibong carnapping.

Si Tan ay pinakabatang anak na babae ni ni Sulu Vice Gov. Abdusakur Tan.

Pinaiimbestigahan na ng Kongresista ang insidente.

Matatandaan na noong 2007, naganap ang Batasan bombing kung saan lima katao ang nasawi kasama si dating Basilan Cong. Wahab Akbar.

Read more...