Mga kawani ng pamahalaan sumugod sa Senado para sa dagdag na sweldo

Ferdie gaite
Inquirer file phto

Sumugod sa Senado ang ilang kawani ng gobyerno at hiniling ang P16,000 minimum wage sa kanilang hanay.

Sa pangunguna ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees o Courage kinalampag din ng mga kawani ang Senado para sa pagbuwag ng kontraktuwalisasyon.

Sinabi ni Ferdinand Gaite, ang pangulo ng Courage, kaawa awa ang mga kawani at manggagawa na walang nakukuhang benepisyo dahil sila ay mga contractual workers lamang.

Hamon nito sa gobyerno magsilbing modelo sa pagwawakas ng kontraktuwalisasyon sa pamamagitan ng pagiging regular ng libo libong kawani kasama na ang sa mga lokal na pamahalaan.

Muli nilang ipina-alala sa pamahalaan ang mga sinabi noong panahon ng kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na tutukan ng kanyang pamahalaan ang dagdag kita at pagiging regular sa trabaho ng lahat ng mga manggagawa sa bansa.

Read more...