Mga pahayag laban kay US Pres. Obama, pinagsisihan na ni Duterte

Palace statement on cancelled bilateral talks with ObamaNagpahayag ng pagsisisi si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nabitiwan nitong pahayag kontra kay US President Barack Obama kahapon bago ang kaniyang pag-alis patungong Laos.

Sa panayam kay Duterte ng mga mamamahayag na nagco-cover ng ASEAN summit, sinisi ni Duterte ang media dahil sa aniya ay pagbabato ng mga katanungan at paglalabas ng report na tila pinalabas na lelecturan siya ni Obama patungkol sa extra judicial killings.

Ito aniya ang nagbunsod kay Duterte para makapaghayag ng mabibigat na pananalita.

Sa press statement ng Malakanyang na ibinigay sa mga mamamahayag sa Laos, nakasaad na pinagsisisihan na ni Duterte na nagdulot ng kontrobersiya ang kaniyang pahayag.

“President Duterte explained that the press reports that President Obama would “lecture” him on extrajudicial killings led to his strong comments, which in turn elicited concern. He regrets that his remarks to the press have casused much controversy,” ayon sa ipinamahaging press statement.

Nakasaad din sa pahayag na patuloy ang pagbibigay ng halaga ng Pilipinas sa alyansa nito sa Estados Unidos, lalo pa at ang dalawang bansa ay may iisang mithiin sa paglaban sa ilegal na droga, terorismo, krimen at kahirapan.

Pinasalamatan din ng Pangulong Duterte si Obama dahil sa paghahayag ng suporta ng US sa Pilipinas noong G20 summit.

Kasabay nito, sinabi sa pahayag na nagkasundo naman ang magkabilang panig na itutuloy pa rin ang bilateral talks sa pagitan nina Obama at Duterte sa ibang panahon o petsa.

 

 

 

Read more...