Singil sa kuryente ng Meralco, bababa ngayong buwan

meralco2Magkakaroon ng bahagyang pagbaba sa singil sa kuryente ng Meralco sa ngayong buwan.

Ayon sa Meralco, sa September bill mararamdaman ng customers ang pagbaba na P0.045 centavos per kilowatt hour sa singil sa kuryente.

Ito ay makaraang magkaroon ng pagbaba sa transmission charge.

Ayon sa Meralco, ang bawas para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan ay nasa P9; sa mga kumokonsumo naman ng 300 kilowatt hour kada buwan ay P13.50 ang mababawas; P18 naman ang bawas sa bill sa mga kumokonsumo ng 400 kilowatt hour kada buwan at P22.50 ang mababawas sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatt hour kada buwan.

 

Read more...