Cong. Ruffy Biazon, naghain ng not gulty plea sa mga kasong kinakaharap sa Sandiganbayan

Ruffy BiazonNaghain ng not guilty plea si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa pagbasa sa kaniya ng sakdal ng Sandiganbayan 7th division.

Ito’y para sa mga kaso ni Biazon na graft, malversation at direct bribery kaugnay sa pork barrel scandal.

Personal na dumalo si Biazon sa arraignment Martes ng umaga.

Ang mambabatas ay inaakusahang tumanggap ng 1.9 million pesos na kickback mula sa 3 million pesos ng kanyang PDAF para sa pekeng non-government organization ni Janet Lim Napoles.

Nauna nang naglagak ng piyansa si Biazon para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kaugnay nito, naghain din ng not guilty plea si dating Mindor Oriental Rep. Rodolfo Valencia na nahaharap din sa graft, malversation at direct bribery dahil sa pagkakadawit sa Pork Barrel Scam.

Nakubra umano si Valencia ng 2.4 million pesos na kickbacks mula sa P.510 million pesos na PDAF niya inilagak sa ghost projects noong 2008-2009.

 

Read more...