Truck ban passes, sinuspinde muna ng MMDA

truck banSinuspinde pansamantala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga inilabas nitong truck ban conduct passes.

Ayon kay MMDA general manager Tim Orbos, simula September 8, kailangan nang sumunod ng mga truck firms at operators sa ban at sa window hours sa mga major highways tulad ng C-5 Road, Katipunan Avenue, Congressional Road, Mindanao Avenue at R-10 Road.

Gayunman, hindi sakop ng naturang suspension order ang mga trucks na nasa ilalim ng Terminal Appointment Booking System na maagang nagbu-book ng mg truck para mag-deliver ng mga produkto sa loob at labas ng mga pantalan sa Maynila.

Paliwanag ni Orbos, ang nasabing indefinite suspension ay magbibigay daan sa pagsusuri ng Interagency Committee on Traffic Management kaugnay sa kung paano nakakaapekto ang ban sa mga nasabing kalsada.

Read more...