Apela na alisin ang TRO sa Torre de Manila, tatalakayin sa SC ngayong araw

torre-0617Nakatakdang talakayin ngayong araw ng Korte Suprema ang apela ng DMCI Homes Inc. na alisin na ang temporary restraining order na nagpatigil sa konstruksyon ng Torre de Manila condominium.

Ayon sa ilang sources, pagdidiskusyunan ito sa regular na en banc session na ginagawa tuwing Martes.

Naghain ang DMCI Homes ng ika-apat na mosyon para alisin ang indefinite temporary restraining order noong August 25.

Hiniling nila sa nasabing apela na payagan na silang ipagpatuloy ang konstruksyon ng 49-story na tore, ahbang nakabinbin pa ang desisyon ng korte kung nasira nga ba nito ang skyline at visual integrity ng Rizal Monument.

Binanggit pa ng developer ang mga natatanggap nilang liham mula sa mga buyers nila na dismayado na dahil sa nasabing suspension, at nadagdagan pa anila ang kanilang mga bayarin.

Inilabas ng Korte Suprema ang TRO noong June 16, 2015 bilang tugon sa petisyon ng mga Knights of Rizal dahil sa umano’y pag-“photobomb” nito sa monumento ni Dr. Jose Rizal.

Read more...