‘Shark attack’ sa Tasmania, isang lalaki, patay

shark-attack-300x168Inatake ng pating na may laking labinlimang talampakan ang isang lalaking sumisisid sa Australian island state ng Tasmania na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Ayon sa mga testigo, kasama ng lalaki ang kaniyang anak na babae na sumisisid para kumuha ng mga kabibe nang biglang atakihin siya ng pating.

Nasaksihan ng batang babae ang pangyayari kaya’t bigla siyang umahon at humingi ng tulong sa mga kalapit na bangka.

Inaasahang mag-sasagawa ng pagti-tipon ang mga awtoridad ukol sa naganap na trahedya, pero tumanggi munang mag-komento ang government ranger na si Peter Lingard. /Kathleen Betina Aenlle

Read more...