“Merong tamang lugar at tamang paraan nang sa ganoon ay mailabas at mapatunayan ang katotohanan,” ani Zabala.
Kabilang din sa pinag-iisipaan ng liderato ng INC ay ang pagsasampa ng kaso laban sa mga taong nag-aakusa ng anomalya at katiwalian. “Wala pang tiyak na plano dito, pinag-iisipan pa lamang, “ paglilinaw ni Zabala.
Sa Lunes, ika-27 ng Hulyo ay ipagdiriwang ng INC ang kanilang ika-101 taong anibersaryo. Isang pagtitipon sa Philippine Arena sa Bulacan ang magaganap kaugnay ng pagdiriwang. Ang Philippine Arena ang isa sa binanggit ni Angel “Ka Angel” Manalo na dahilan ng gusot sa INC. Anya, hindi ito dapat na pinagkagastusan ng INC.
“Walang epekto sa aming pagdiriwang ang lahat ng mga akusasyon. Tuloy na tuloy,” ani Zabala.
Samantala ay patuloy ang pananatili ng mobile ng Quezon City Police District o QCPD sa tapat ng tahanan ni Ka Angel sa Tandang Sora.
May mangilan-ngilan ding mga suporters ang dumarating para magdala ng pagkain.
Sa Lunes, araw ng pagdiriwang ng anibersaryo ng INC, ang mga supporters ni Ka Angel, ng pamilya nito at iba pang mga itiniwalag na ministro ay nanawagan ng pagtitipon ng may pitong libo katao./Gina Salcedo