Kapwa ipinost ang dalawa video sa sa Facebook page ng isang “Admin Pedro”.
Ang unang video na mayroong caption na “Filipino soldiers fighting Muslim extremists in Southern Mindanao” ay may habang tatlong minuto at anim na Segundo.
Ipinakikita sa video ang mga nakadapang sundalo na nakikipagbakbakan. Dinig din sa background ng video ang walang humpay na putukan.
Sa gitnang bahagi ng video, ipinakita ang paglalapat ng pansamantalang lunas sa isang nasugatang sundalo at madidinig ang pagbibigay sa kaniya ng lakas ng loob ng mga kapwa sundalo.
Ang unang video ay maroon nang 533 shares at mahigit 20,000 views sa Facebook.
Ang ikalawang video naman ay may habang halos tatlong minuto na ipinost din sa parehong Facebook page.
Mayroon itong caption na “Philippine Army vs Abu Sayyaf part II”.
Madidinig sa video ang mga sundalo na kug pakikinggan ang gamit nilang dialect ay pawang mga Ilokano.
Nasa mahigit 300,000 na ang views ng nasabing video sa FB at halos 3,000 shares.
Umani rin ng simpatya at panalangin ang nasabing mga video mula sa komento ng mga Facebook users.