Ilang lugar sa MM, binaha

bahaIlang lugar sa Metro Manila ang binaha dahil sa malakas na buhas ng ulan dulot ng thunderstorm.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA, magkakaroon ng malakas na ulan bandang hapon na posibleng magdulot ng flashfloods.

Ilang lugar sa Caloocan, Marikina, Valenzuela at Quezon City ang nakaranas ng flashflood.

Nagdulot din ng pagbigat ng daloy ng trapiko ang biglaang pagbuhos ng ulan.

Inulan din ang ilang bahagi ng Bataan, Rizal, Laguna, Batangas, Bulacan, Pampanga, Zambales at Nueva Ecija.

Sa forecast ng PAGASA, asahan din ang pag-ulan sa gabi lalo na sa mga coastal areas./Gina Salcedo

Read more...