DOH at LGUs, dapat na magtulungan laban sa food poisoning

ice candyHinikayat ng Palasyo ng Malakanyang ang Department of Health at mga lokal na pamahalaan na magtulungan para matugunan ang food poisoning.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, sa pamamagitan ng pagtutulungan ay masasawata ang mga kaso ng pagkalason sa iba’t ibang lugar sa bansa.“Hopefully, all the other LGUs (local government units) that have incidents like this will be more receptive to DOH and will take the necessary action to prevent incidents of this nature from recurring,” pahayag ni valte.

Sa ngayon ay inaalam na ng DOH ang sanhi ng sunod-sunod na insidente ng pagkalason at nakikipag-ugnayan na ito sa mga local governments kung saan may nangyaring food poisoning.

Isa sa mga natukoy na maaaring hakbang para masawata ito ay ang pamimigay ng identification cards sa mga tindero’t tindera lalo na sa mga nagtitinda sa labas ng mga eskwelahan.

Ang pinakahuling insidente ng food poisoning ang pagka-ospital ng daang-daang mga mag-aaral ng Real Elementary School sa Calamba, Laguna matapos ang pagkain ng ice candy at cupcake.

Sa nakalipas na mga linggo, karamihan sa mga naospital ay mga estudyante matapos ang pagkain ng iba’t ibang pagkain gaya ng durian at mangosteen candies, pastil, macapuno candy at okoy./Len Montaño

Read more...