Paliwanag ni PNP spokesperson Senior Supt. Dionardo Carlos, patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan at hinahanap ng mga otoridad ang hindi bababa sa tatlong persons of interest na maaaring nasa likod ng Davao City bombing.
Sinabi ni Carlos na gaya ng naunang binanggit ni PNP CHief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, isang lalaki at dalawang babae ang persons of interest, batay na rin sa mga pahayag ng mga testigo.
Matatandaang sinabi ni Dela Rosa na posibleng ang Abu Sayyaf Group ang responsable sa pag-atake sa Davao City noong Biyernes.
Nagbabala rin ang PNP chief na maaaring umatake pa ang bandido sa ibang mga siyudad.
Kaya hinimok nito ang publiko na manatiling mapagmatyag at huwag mag-panic.