Yan ang pahayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, bunsod ng sunud-sunod na pag-iisyu ng travel warning ng iba’t ibang bansa dahil sa naganap na pambobomba sa Davao City na ikinasawi ng labing labing katao.
Ayon kay Andanar, normal lamang sa ibang mga bansa na magpalabas ng travel advisory dahil responsibilidad nila ito sa kani-kanilang mga mamamayan.
Pagtitiyak ni Andanar, naka-alerto pa rin ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, at patuloy ang buhay sa Pilipinas lalo na sa Davao City.
Nangyari rin aniya ang pag-atake sa iisang lugar, pero ang Pilipinas ay may libu-libong isla kung saan maaaring mamili ang mga dayuhan at lokal ng bibisitahin at kung saan sila mag-eenjoy.
Pagtitiyak pa ni Andanar lalo na sa mga turista, ligtas sila dito sa bansa.
Matatandaang nag-isyu ng magkakahiwalay na travel warnings ang Amerika, United Kingdom, Australia, Canada at Singapore, bagama’t walang direktang banta sa kani-kanilang mga national.