Pope Francis, idineklara na si Mother Teresa bilang santo

popeNagdiriwang ngayon ang mga Katoliko matapos maging ganap na santo si Mother Teresa.

Pinangunahan ni Pope Francis ang canonization sa St. Peter’s square sa Vatican, na dinaluhan at sinaksihan ng milyung-milyong deboto na mula pa sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa gitna ng misa, mismong si Pope Francis ang nagdeklara ng pagiging ganap na santo ni Mother Teresa.

Si Mother Teresa ay kilalang matulungin at maalaga sa mga mahihirap.

Pumanaw noong 1997 si Mother Teresa, na nakatanggap din ng Nobel peace prize noong 1979.

Read more...