Operating hours ng LRT line 1, mas maaga na simula sa Lunes

 

Ipatutupad na ng Light Rail Transit o LRT line 1 ang mas pinaagang operating hours, umpisa bukas (September 05).

Sa advisory, ang biyahe ng mga tren ng LRT line 1 ay magsisimula na ng 4:30 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.

Tuwing mga araw ng Sabado, Linggo at official holidays, ang operasyon ng LRT line 1 ay mag-uumpisa ng 5:00 ng umaga.

Ang last trip mula Baclaran Station sa Pasay City ay 10:00 ng gabi tuwing weekdays, samantalang 9:30 ng gabi sa weekends at holidays.

Ang huling train trip naman mula Roosevelt Station sa Quezon City ay 10:15 ng gabi tuwing weekdays, habang 9:50 n ggabi kapag weekends at holidays.

Ang pagpapahaba sa operating hours ng LRT line 1 ay continuation ng test run, na sinimulang ipatupad noong July 10, upang madetermina kung ito ba’y makakakuha ng interes mula sa publiko.

Kapag ito’y naging matagumpay, sinabi ng pamunuan ng LRT na pag-aaralan nila na gawin nang permanente ang extended operating hours.

Read more...