Isang flight ng PAL Express, na-divert sa Clark Airport dahil sa masamang panahon

flightDahil sa sama ng panahon, isang biyahe ng PAL Express na lalapag sana sa Ninoy Aquino International Airport ang na-divert sa Clark Airport.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), ang na-divert sa Clark Airport ay ang flight 2P 2132 na may biyaheng Bacolod to Manila.

Sa latest weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang binabantayang low pressure area (LPA) sa 380 kilometers Northeast ng Itbayat, Batanes.

Ang sama ng panahon ay bunsod ng hanging habagat na dala ng LPA at nagdudulot ito ng mga pag-ulan at thunderstorms sa Pangasinan, Zambales at Bataan.

Nararanasan naman ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa mga rehiyon ng Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon at maging sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, Ilocos Norte at La Union.

 

Read more...