CHR, babantayan ang implementasyon ng State of Lawlessness

 

Tiniyak ng Commission on Human Rights o CHR na kanilang imomonitor ang implementasyon ng idineklarang ‘State of Lawlessness’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni CHR Chairperson Chito Gascon na sa panahon ng krisis o terrorist attack, binibigyang kalayaan ang Ehekutibo upang maibalik ang law and order at para siguraduhing ligtas ang mga sibilyan.

Gayunman, bagama’t nasa ilalim ng State of Lawlessness ang bansa, iginiit ni Gascon na kailangan pa ring irespeto ang mga karapatan ng mga tao, at hindi dapat suspendihin.

Ipinaalala ng pinuno ng CHR na sa Konstitusyon ay may mga mekanismo upang maiwasan ang anumang pang-aabuso na lumutang, gaya ng pag-akyat sa korte at kakayahan ng Kongreso na talakayin ito.

At aniya, ang Constitutional bodies tulad ng CHR ay magbabantay.

Idineklara ni Presidente Duterte ang State of Lawlessness, makalipas ang karumal-dumal na pambobomba sa Davao City noong Biyernes ng gabi.

Read more...