Sa mensahe ni Foreign Ministry spokesperson Hua Chunying, mahigpit ang pagkondena ng China sa anumang uri o porma ng terorismo.
Aniya, ipinaabot ng China ang taus-pusong pakikiramay sa mga biktima ng pambobomba sa Davao City, na ikinamatay na labing apat na tao.
Sinabi ni Hua na nagulat ang Chinese side sa pag-atake, at nangyari pa ito sa mismong hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kabila nito, inihayag ni Hua na naniniwala ang China na sa ilalim ng pamumuno ni Presidente Duterte ay makakamit ang kapayapaan at maisusulong ang stability sa bansa.
May tensyon pa rin sa pagitan ng China at Pilipinas dahil sa patuloy na agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.