Iba’t ibang bansa binalaan ang kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas

Mula sa Twitter acct. ni Fr. Jbhoy Gonzales SJ
Mula sa Twitter acct. ni Fr. Jbhoy Gonzales SJ

Binalaan ng gobyerno ng Australia, Canada at Singapore ang kanilang mga mamamayan sa Pilipinas dahil sa banta ng pag-atake ng mga terorista sa bansa kasunod ng naganap na pagbobomba sa Davao City.

Naglabas ng travel advisories ang mga ito kaugnay ng pagturo ng mga otoridad na ang Abu Sayyaf Group ang nasa likod ng pag-atake upang mabaling ang atensyon ng gobyerno sa isinasagawang massive manhunt sa nasabing extremist group sa Jolo.

Nauna ng inako ng Abu Sayyaf Group ang pambobomba ngunit kalaunan ay binawi din ito ng grupo.

Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs and Trade (DFAT) ang kanilang mga mamayan na pag-isipan ang pagbyahe sa silangang bahagi ng Mindanao kabilang ang Davao City.

Mariing kinondena ng Singapore Embassy ang naging pag-atake habang binalaan ang magbyahe sa timog na bahagi ng bansa at sa mga mamamayan nilang nasa mismong Davao ay agad na makipag-ugnayan sa embassy.

Nagbabala din ang gobyerno ng Canada sa mga mamamayan nila na mag-ingat.

Read more...