Makati Business Club, kinondena ang pambobomba sa Davao City

Inquirer file photo

Marring kinondena ng Makati Business Club (MBC) ang naging pambobomba sa Roxas Night Market sa Davao City.

Sa inilabas na statement ng MBC, isang kaduwagan ang naging pag-atake sa mga inosenteng sibilyan at paghahasik ng takot sa mga tao.

Nakiramay din ang MBC sa pamilya at mga mahal sa buhay ng mga biktima ng naturang pag-atake.

Nanawagan ang MBC na dapat manatiling kalmado at mapagbantay ang mga Pilipino kasunod ng naging insidente.

Binigyang diin ng MBC na paulit-ulit ng naipakita ng mga Pilipino ang pagkakaisa at katapangan sa panahon ng problema.

Nauna ng nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng “State of Lawlesness” sa bansa.

 

Read more...