Pinagmulan ni Mother Teresa, pinagtatalunan ng mga bansa sa Balkan Peninsula sa Europe

Inquirer file photo

Sa darating na Linggo ika-cannonize na ni Pope Francis si Mother Teresa na siyang huling hakabang para maging santo ito.

Kasabay nito dalawang bansa sa Balkan Peninsula sa Europe ang magdiriwang ng pagiging santo ni Mother Teresa na parehong itinuturing na nagmula sa kani-kanilang bansa ito.

Kilala si Mother Teresa dahil sa kanyang naging misyon sa mga mahihirap sa lungsod ng Kolkata sa India ngunit kaalinsabay nito ang pagtatalo ng Macedonia at Albania kung saan ang mismong pinagmulan nito.

Ipinanganak si Agnes Gonxha Bojaxhiu o mas kilala bilang Mother Teresa noong 1910 sa Skopje na dating parte ng Ottoman Empire na ngayon ay kabisera ng Macedonia habang kangyang nanay naman ay isang Albanian na kung saan ang pamilya nito ay mula sa Kosovo.

Pinagtatalunan din ang pinagmulan ng kanyang ama, may mga nagsasabing isa itong Albanian habang ang iba naman ay Macedonian at may iba ding nagsasabi na isa itong Vlach, isang Balkan ethinic group.

Ang pagtatalo ng Albania at Macedonia ay nag-ungkat sa matagal ng ethnic rivalry sa pagitan ng dalawang bansa sa pag-angkin sa Nobel Peace Prize winner na si Mother Teresa na kung saan may mga estatwa, kalsada, ospital at iba pang monumento ang ipanangalan sa kanyang ng naturang mga bansa.

Read more...