Pormal ng nagsimula ang 79th Season ng University Athletic Association of the Philippines o UAAP sa Plaza Mayor sa University of Sto. Tomas campus sa Sampaloc, Manila.
Naging magarbo ang naging selebrasyon kaiba sa naunang nasabi na magiging simple ang naturang event kung saan tampok ang kasaysayan ng pinaka matandang unibersidad sa Asya ang UST na dinaluhan ng mga estudyante mula sa member schools.
Pinaangunahan ni Rector Rev. Fr. Herminio V. Dagohoy ang pagbubukas ng naturang event na sindundan ng grandiyosong pyromusical.
Dumaan ang mga student-athletes mula sa mga kalahok ng eskwelahan sa makasaysayang Arch of Centuries na isang National Cultural Treasure, sa isang parada papunta sa Plaza Mayor na nbagsilbing internment camp noong World War II.
Una nito ay nagkaroon ng ballroom formation competition bilang bahagi ng three-part opening ceremony na kung saan ang University of the Philippines ang nagwagi.
Kinanta din ng UST Symphony Orchestra ang official theme song na “Dare To Dream” sa nasabing event habang si pinagunahan naman ni Louie Vigil, captain ng UST men’s basketball team ang Oath of Sportmanship.