Kaalyadong grupo ng ASG ang nasa likod ng pagpapasabog

abu-sayyaf-2Nilinaw ng bandidong grupo ng Abu Sayyaf na kaalyado nila at hindi sila ang direktang may kagagawan sa pambobomba sa isang night market sa Davao City kagabi na ikinamatay ng 15 na katao at ikinasugat ng 67 iba pa.

Sa panayam ng Philippine Daily Inquirer kay Abu Ramie – tagapagsalita ng ASG na isang kaalyadong grupo ang tunay na sumalakay kagabi sa Davao City.

Tinukoy ni Abu Ramie ang grupo na Daulat Al Islamiya na ginawa ang pambobomba bilang pakiki-simpatya sa kanilang grupo.

Gusto rin aniya nilang iparating kay Pangulong Rodrigo Duterte na lahat ng mga grupong katulad ng Daulat sa buong bansa ay hindi natatakot sa kanya.

Una nang napabalita na inako ni Abu sayyaf ang pagpapasabog sa Davao bilang tugon sa paglusob sa kanila ng tropa ng pamahalaan sa Basilan at Sulu.

Read more...