DOJ bubuo ng Task Force para sa pag-iimbestiga sa Davao bombing

DOJ-660x495

 

Ipinag utos ngayon ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre II ang pagbuo ng task force na mag-iimbestiga sa pambobomba sa Davao City.

Ayon sa kalihim na bubuuin ang task force ng undersecretary mula sa Department of Justice, DOJ prosecutors at mga tauhan ng National Bureau of Investigation na magsasagawa ng pangangalap ng ebidensya.

Layunin anya ng task force na tumulong sa ginagawang imbestigasyon ng ng Philippine National Police.

Matapos anya ang imbestigasyon ng task force kaagad itong isusumite sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Aguirre na pangungunahan ni Undersecretary Antonio Kho ang nasabing task force.

Nagpahayag din ng pagkundena si Aquirre sa nangyaring pagpapasabog at naglaan ng pondo mula sa sariling bulsa para sa mga biktima at pamilya ng mga ito.

Hinikayat din nito ang mga kawani ng DOJ at mga attached agency na tumulong sa fund drive.

 

Read more...