Sa isang panayam kay Duterte sa Davao City, sinabi ng pangulo na nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng presensya ng pulis at militar sa lansangan.
Gayunman, nilinaw ni Duterte na hindi ito martial law at hindi rin sinususpinde ang writ of habeas corpus.
Sinabi ng pangulo na sa pamamagitan ng State of Lawlessness pinapahintulutan niya ang mga pulis at militar na magsagawa ng mga search.
Hinimok naman nito ang mga mamamayan na maging maingat at kalmado sa kabila ng insidente.
Dahil anya sa limitadong pulis at militar ng bansa hinikayat din nito ang publiko na maging mapagmatyag.
“Government is here with you, as much as humanly possible. We will protect everybody,” ayon kay Duterte.
Kaugnay nito, nagpapatupad naman ng lockdown sa Davao City.
Samantala, hindi naman apektado ang byahe ng pangulo sa Laos para sa Association of Southeast Asean Nation Summit ngayong linggo.
Umabot na sa labing-apat ang nasawi sa pagpapasabog sa isang night market sa Roxas Avenue, Davao City habang animnapu naman ang nasugatan.