10 empleyado ng Cebu City Hall, nagpositibo sa drug test

shabuNagpositibo ang 10 sa 127 na mga newly hired casual employees ng Cebu City Hall matapos ang isinagawang random drug testing ng Cebu City Office of Substance Abuse Prevention(COSAP) noong August 25 at 31.

Ayon kay Atty. Marie Velle Abella, head ng Cebu City Human Resource ay agad na tinanggal sa trabaho ang sampung nagpositibo.

Tumanggi naman ang naturang HR department na ibigay ang mga pangalan ng mga empleyadong nagpositibo sa paggamit sa ilegal na droga.

Binigyang diin naman ni COSAP Head Dr. Alice Utlang, ang isinagawang random drug testing at parte ng paglinis ng Cebu City Hall sa mga drug users.

Read more...