3 patay sa drug buy-bust operation sa Manila North Cemetery

Kuha ni Jan Escosio
Kuha ni Jan Escosio

Tatlong hinihinalang drug pushers ang nasawi sa isinagawang drug buy-bust operation ng Manila Police District (MPD) sa loob ng Manila North Cemetery.

Isinagawa ang buy-bust sa nauwi sa shootout sa 16th Street sa loob ng sementeryo, alas 2:15 ng hapon.

Ayon sa mga tauhan ng MPD station 3, pumalag ang mga suspek nang magpakilala ang poseur-buyer na siya ay pulis.

Nakuha mula sa tatlong hindi pa nakilalang suspek ang tatlong 38 caliber.

Pawang nasa drug watchlist umano ng MPD ang tatlong nasawi.

 

 

Read more...