Kasunod ito na pagkakaroon ng unang kaso ng locally-transmitted Zika virus sa Singapore at Malaysia.
Kaugnay nito sinabi ni Ubial na nakapagtala na ang bansa ng limang kaso ng Zika virus simula taong 2012 kung saan lahat ng nasabing kaso ay nakuha sa ibayong dagat at hindi dito sa Pilipinas.
Wala naman sa 86 na pasyente na isinailalim ng DOH sa pagsusuri gamit ang Zika test kits ang nagpositibo sa naturang virus.
Ang mga nasabing testing kit para sa Zika ay kinukuha ang dugo ng pasyente at maaring umabot ng ilang oras hanggang sa isang araw para makumpirma kung positibo o hindi sa virus.
Sinuri din ang mga pasyente sa chikungunya at dengue, mga sakit na naikakalat sa pamamagitan ng dugo at kagat ng lamok.
Kung sakaling magpo-positibo sa alinmang tatlong sakit ay iko-confine ang pasyente sa Research Institute for Tropical Medicine.
Nauna ng nagpalabas ang DOH at Bureau of Quarantine ng mga travel advisories sa mga Pilipinong babiyahe sa ibang bansa sa kung paano maiiwasan ang pagkakaroong Zika at iba pang mga sakit.