WATCH: Malakanyang, naglabas ng anti-drug advertisement

Anti Drug AdsInilabas ng Malakanyang ngayong araw ang dalawang bersyon ng anti-drug advertisement nito.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, layunin ng advertisement na makuha ang atensyon ng bawat pamilyang Pilipino para makaiwas sa paggamit ng ilegal na droga.

Dalawang bersyon ang advertisement, ang una ay patungkol sa isang ama na lulong sa ipinagbabawal na gamot kung saan ipinakita na maraming mahahalagang pagkakataon na hindi siya nakapiling ng kaniyang pamilya.

Isang oras matapos itong i-post sa facebook page ng Presidential Communications Office ay umabot na sa 55,000 ang views nito ay may mahigit 3,000 shares.

Ang ikalawa namang bersyon ay patungkol sa isang inang Overseas Filipino Worker (OFW) na subsob sa trabaho abroad, habang ang kaniyang anak sa Pilipinas ay gumagamit ng illegal na droga.

Makalipas ang isang oras, mayroong na itong mahigit 100,000 views at mahigit 9,000 shares sa facebook.

Mahigit dalawang minuto ang full version ng dalawang advertisements at si Brillante Mendoza ang director nito.

Ang TV ads ay mapapanood sa mga TV stations at mga sinehan sa buong bansa.

 

 

 

Read more...